Thursday, March 21, 2013

Panawagan sa mga nag PTC diyan...

Isang panawagan ang ginawa ko just a few minutes ago in one PTC(Pay to click) site. I was really concerned about the proliferation of many scam ptc sites and i was doing some research about it for about half month already. I am already a victim of such scam in 3 sites out of the 7 sites that i have joined earlier and i found one site who are doing investigations on ptc sites. But i won't be talking about PTC per se in this blog, not for now. I just want to share ang aking naging panawagan and hoping that if ever someone  e maligaw dito blog site ko na nagnanais sumabak sa larangang ito or already started doing ptc e makapag bigay man lang ako ng kahit konting gabay sa pag- iingat gaya ng aking nabanggit sa aking panawagan.
So ito po ang nilalaman ng aking naging panawagan:


"Mabuhay po ang lahat ng pinoy na nagbabakasali na kumita sa PTC o alin pa mang puedeng pagkakitaan sa internet. Bago pa lamang po ako dito sa larangan ng PTC at patuloy ko pa rin na kinakapa at kinakabisado ang mga pasikot-sikot sa gawaing ito. Subalit sa mahigit na kahalating buwan na ginugol ko sa mga lugar na ganito marami na akong naranasan na mga pangloloko o pang gagantso. Bagaman at ganito ang karamihan sa kalakaran sa larangan na ito, ay minarapat ko na ipagpatuloy ang paghahanap ng masasabing lehitimo na PTC at sinasaliksik ko rin ang iba pang angulo tungkol dito.  Opo ako ay baguhan pa rin sa ganito subalit hindi sa iba pang tinatawag na home base job.

Ang panawagan ko po ay nararapat ang ibayong pag-iingat mapa-baguhan man o may kahabaan na ang karanasan. Isa sa napagtanto ko ay hindi basehan ang mga sinasabi at pinapakita na katibayan na pagkatanggap ng kabayaran sapagkat:

1. maraming paraan, at karamihan na rin sa aking natagpuan ang mga account ay madalas naman na sa kanilang alternatibong pag aari lamang.
2. maaaring nababayaran sa una, pangalawa, o maging sa mga sumunod na bayaran subalit ang hindi magarantiyahan ay kung kelan bigla na lang mawawala yuong lugar o bigla na lang titigil sa pagbabayad at itatakbo na ang inyong pinaghirapan.

Para sa pag-iingat ipinapayo ko na huwag agad-agad susubo sa pag gastos sa pagtaas ng antas ng pagiging kasapi, o sa paglalagak ng halaga sa pag-aakalang kikita kaagad ng malaki. Palagi po nating tandaan laging nasa huli ang pag sisisi at meron nga tayo kasabihan na "naghangad ng kagitna isang salop ang nawala".

Marami pa po tayong dapat isaisip bago pumasok sa isang maaaring patibong lamang kung kaya inuulit ko ang ibayong pag-iingat.

Ang hangad ko po sana ay makapagbigay ng kaunting gabay upang makaiwas sa maraming panloloko sa larangan ito.

Kung magkakaisa lang sana tayong mga pinoy na magtulungan sa lahat ng bagay ay mas marami tayong magagawang bagay at mas makakaiwas sa iba pang kapahamakan. Mas mabuti sana kung lahat tayo ay magkakakontakan, magkakausap at magkakilala rin sa personal upang sa ganitong larangan tayo mismo ay makakapagbigay suporta sa bawat isa sa atin.
Nais ko rin na ilagay sa blog ang ganitong panawagan.

Maraming salamat po at pagpalain po tayong lahat ng maykapal. Kung meron man nagnanais na kumontak sa akin, huwag po kayong mahihiya o mag aatubiling lumiham sa akin dito. Marami pa po na puede ninyong subukan kung hanapbuhay ang kailangan.

Kuya Jee or Jeerom:
jeeaureada.fv@gmail.com
jachatters.chatango.com (bago lang po ito)"

I may need more time to safely say na itong sinusubukan ko na mga site sa ngayon, bagaman at ito ay rekomendado na ng isang mapang-saliksik na site, ay minarapat ko na subukan ng kahit 1 o 2 buwan pa upang makita at mabigyan ng maingat na pagtatanya kung nararapat nga ba na irekomenda ang larangan na ito sa mas nakararaming kababayan nating pinoy.

Kung may nagnanais na subukan ito, mas makabubuti siguro na meron kayong ng tinatawag na upline, na kakilala ninyo ng sa ganon ay meron kahit papano na aagapay sa inyong pagsisimula. Ipinapayo ko rin na huwag mag-invest at subukan lamang ang libreng pamamaraan ng sa gayon, sa oras na biglang mawala ang site(na karaniwang ginagawa ng mga scammers), o kapag biglang tumigil ng pagbabayad at itinakbo na ang iyong pinaghirapan, kahit papaano ay mas maliit ika nga ang danyos o perwisyo na nagawa sa inyo.

Sa mga nakikita ninyo na ptc banner sa ibaba ng pahinang ito, kung mapansin ninyo isang araw na tinanggal ko alinman sa mga ito, nangangahulugan lamang na ito ay hindi nararapat pang ipagpatuloy(kung nasimulan mo man ito) o nararapat na iwasan ang site na iyon. Marami pong ibang lehitimong site para sa mga home base job, at sa lahat ng ito, hindi po napupulot lang ang salapi, kailangan pa rin po ang sipag at tyaga upang kumita ng kahit papaano ay disenteng halaga.

Sa huli, ibayong pag-iingat po ang paulit-ulit na aking ipapaalala sa inyo.

3 comments:

  1. Hello po. ;) I need help po. :)
    Member po ako ng pinoyincomebux, nabasa ko po yung post niyo sa forum about yung sa union bank. Mag oopen po sana ako ng account pero di ko alam kung ano ang type of application ang pipiliin ko. Please help me po and give me some advises about it. ;) Thanks. ;)

    ReplyDelete
  2. Sorry Cristy, medyo naging busy ako for the past weeks kaya ngayon ko lang nabasa ang comment mo. Apply ka for an Eon account sa unionbank and then wait mo na ma approved yung application mo. I think you only need to pay 350 pesos once ma-approved yung application mo, and they will give you an Eon card na magagamit mo to verify your Paypal account(if you have unverified paypal account).

    ReplyDelete
  3. How much does a casino make in the US? - DrmCD
    Are the casino games 당진 출장샵 the same 통영 출장마사지 as in 김해 출장안마 Vegas? You get all the same odds as real money casino games 남원 출장마사지 in Vegas like roulette, 당진 출장샵 blackjack and

    ReplyDelete