Tuesday, April 9, 2013

Suicide: Is it trending now?

My God, I felt so sad after I heard today from the local newscast, 4 reported incident of suicides and the youngest who committed, was just a 9 year old kid. Grabe and reasons were he was being bullied and another was because the person was not  able to graduate from school. I remember kelan lang meron din ganitong incident sa parte ng visayas or mindanao and before that was the UP student who gained popularity and mileage through print and tv media. It also earned a lot of commentaries from the public sector and an outpouring of emotions from some group of students in PUP.

So ano na nga ba ang nangyayari? Was it really helpful na tila tulad ng kaso ng UP student na nabigyan na malaking publisidad at dahil dito ay umani ng batikos ang eskwelahan na tila sila ang sinisi sa pagpapatiwakal ng estudyante. Marapat nga ba na isisi ang pagkakamali sa pagkitil ng sariling buhay, bagaman ito ay isang malaking kasalanan sa Maykapal sapagkat ang ating buhay ay hiram lamang sa Poong Lumikha, sa lipunan na ating ginagalawan o sa ibang nilalang na sa tingin natin ay siyang nagbigay dahilan sa isang indibidwal upang tapusin na ang sariling buhay? Di nga ba sa halip na maging taimtim ang panalangin at pagluluksa ay tila ba nawalan ng privacy ang pamilya? Naging isang celebrated case ang suicide ng nasabing estudyante. Kabi-kabila ang interview ng mga magulang, kaibigan at maging ng guro sa school na kanyang pinapasukan. Lahat nga ba ng ito ay nakatulong upang maliwanagan ang isipan ng mamamayan lalo't higit ay ang mga taong may tinatawag na "suicidal tendencies". May naitulong ba upang maiwasan maulit ang ganitong kaganapan?

Pero bakit tila ba wala namang naging saysay sa mga taong may kaparihong pinagdaraanan. Di ko maiwasang magtanong sa aking isipan bakit may sumunod na estudyante na ang rason ng pagpapakamatay ay hindi nakagraduate sa eskwelahan? At ngayon may panibagong pagkitil ng sariling buhay at isa ay sa kaparehong kadahilanan ang hindi nakapagtapos sa pag-aaral. Ano na ang nangyari sa malaking isyu na pinag-usapan, sapat na lang ba na naging resulta ang pagbabago ng panuntunan ng isang eskwelahan, subalit ang tunay at mas malalim na problema sa mismong indibidwal ay tila nakakaligtaan? Magaling nga lang ba ang karamihan na makisawsaw sa isyu para pag-usapan at makisakay sa agos ng pambabatikos upang magmukhang may ipinaglalaban? Nasaan ang tunay na pagtulong sa nangangailangan.... ang personang pinanghihinaan na tumayo at lumaban sa hirap ng pang-araw-araw na pamumuhay? Ikaw isa ka ba na nakikisimpatiya lamang sa oras na may namatay at sinasamantala ang init ng usapan upang isulong ang pangsariling interest lamang? Ano nga ba ang nagagawa ng malawakang panunuligsa at paninisi sa ibang tao habang ang mismong akto ng pagpapatiwakal ay tila nagoglorify lamang?

3 comments:

  1. Hi,

    Hope you don’t mind me getting in touch. I’m Adnes from BlogDash. Just want to let you know, we are looking for Bloggers that accept business blogging opportunities. If this is something that could interest you, please get in touch with us. Thank you

    ReplyDelete
  2. very informative post for me as I am always looking for new content that can help me and my knowledge grow better.

    ReplyDelete
  3. DigisolHub
    Digisol Hub is a Digital Marketing & Tech. Company, that provides solutions regarding website development, SEO, Social Media Marketing, Google Ads, and Graphics designing, App development, Software development, Website Development. We just want to solve the problems of the people by using the right digital marketing strategy and give them Value so that they can build their business in the Online world.

    ReplyDelete